Skip to main content

Posts

Showing posts from November, 2020
 Kalabasa o Squash Kinalakihan natin and kalabasa. Kasabihan ng ating mga magulang na magaling na bitamina para sa mga mata  ang pagkain ng kalabasa. Madalas ito ay iniluluto sa may gata na  may kasamang chicharon na baboy at sitaw. Puede rin na ginisang kalabasa at sitaw na may giniling. Ang pinakasikat ay pakbet, kaya lang ay iwasan ang bagoong. Para sa kaalaman ng lahat, ito ay kulay orange, na isa sa magaling na kainin ng may mga  vitiligo. Mataas sa Vitamin a na magaling na antioxidant at mainam sa balat at paningin. Kung ating aayusin ang ating mga kinakain, sigurado ako na titigil ang pagdami ng vitiligo. Kaya kasabay ng malinis na pamumuhay , sikapin na ayusin ang mga kinakain, kasama ng tamang  pahinga, pagpapa-araw sa umaga at pag-iwas sa stress. Sa susunod , iba naman na gulay ang ating pagaaralan. Image from : https://www.onlinebayong.com/product/kalabasa-or-squash/